“PAGBABAGO SA KABATAAN NOON AT NGAYON: EDUKASYON, PANANAMIT, AT TEKNOLOHIYA”
Ika nga ni Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Ngunit ano na nga ba talaga ang nangyayari sa ating mga kabataan ngayon? Sila pa nga ba ang pag-asa ng bayan? Ilan lang iyan sa mga tanong na pumasok sa aming isipan. Ang mundo ay nagbabago sa paglipas ng oras kaya ang kultura at tradisyon sa ating lipunan ay nagbabago rin. Sa ganitong aspeto, ang kabataan ay apektado at naimpluwensyahan sa mga pagbabagong ito partikular sa edukasyon, pananamit, teknolohiya at moral paghahalaga. Malaki ang ipinagbago ng mga kabataan sa noon at ngayon.
Base sa isang tao na ininterbyu namin na isang ina na OFW ay may mga pagbabago na daw talaga sa henerasyon ngayon dahil sa araw daw nila ay hindi pa gaano ka dali ang mga bagay-bagay dahil wala pang mga transportasyon at mga high tech na bagay sa kanilang mga panahon pero kahit daw wala sila noon ay naging masaya padin sila sa kanilang buhay. Ang mga bagay man noon ay simple lamang pero iyon ay naghahatid na ng ligaya at saya sa kani-kanilang buhay. Sa panahon nila ay mas grabe daw ang mga usapan at interaksyon kompara ngayon dahil wala pa silang social media. Ito man ang kanyang mga pahayag pero bangit niya ay mas ma swerte daw ang henerasyon ngayon dahil mas simple at ma padali na ang mga bagay.
Kitang-kita naman kung paano nakasalalay ang kabataan ngayon sa teknolohiya. Halos lahat ng mga gawain ay may kasaling teknolohiya. Kung may takdang aralin, may internet at google kung saan pwede nating makita ang mga sagot. Kahit saan pupunta dapat may bitbit na selpon para pampalibang at palipas oras. Sa pananamit naman halatang halata naman kung paano ka konserbatibo ang mga kabataan noon kaysa ngayon. Dahil naman ito sa ating kultura at tradisyon na maging konserbatibo lalo na sa mga babae. Hindi daw dapat lumabas ng bahay noon kapag hindi lampas sa tuhod ang damit na suot ngunit ngayon lumalabas na ng bahay nang nakashorts at sleeveless.
Lubhang dalubhasa sa mga gawain at mahilig sa anumang uri ng paglilibang ang mga kabataan ngayon. Dahil na rin sa pagbago ng henerasyon na nagbubunga ng paglago ng ating ekonomiya at ng teknolohiya. Kung ating ihahalintulad ang mga gawain ng mga kabataan noon at ngayon marahil may malaking pagkakaiba o pagbabago na naranasan sa ating mga kabataan noon at ngayon. Kagaya ng kung paano ang mga kabataang makipag ugnayan o makisalimuha sa kapwa kabataan. At kung paano iniisip ng kabataan ang kanilang kinabukasan.
Habang lumilipas ang oras, unti-unting nagbabago ang mga bagay. Positibo man o negatibo ang mga pagbabago ito, ang mas mahalaga ay kung paano kikilos ang kasalukuyang kabataan para sa hinaharap. Hindi natin maiwasan ang katotohanan na ang negatibong mga pagbabago ay naghahari o bakat na bakat sa ating lipunan ngayon sapagkat maaari tayong tumingin sa maliwanag na panig. Kailangan nating gamitin ang mga pagbabagong ito sa ating kalamangan. Hinihikayat namin ang lahat ng mga kabataan na basahin ito upang kumilos at maging susi sa isang mas mahusay na hinaharap!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento